Thursday, March 30, 2017

Presidente Rodrigo R. Duterte


Mahal  Naming Pangulong Rodrigo R. Duterte
 


          Noong umupo ikaw bilang isang pangulo ng ating bansa noong taon 2016, maraming natuwadahil ikaw po ang nahalal bilang Presidente ng Pilipinas.

         May ilang Pilipino ang  di sang-ayon na kayo ang pangulo,dahil sa iba niyong pamamaraan sa ating bansa.

         Marami po kayong dapat tuparin sa ating kababayan, tulad ng mga trabaho atbp... Pero mas inuna niyo po 'yung programa Kontra-droga,dahil maraming kabataan ngayong ang nasasangkot sa mga pinagbabawal na gamot.

         Kaya, gusto niyo rin itong alisin, sa kadahilanan na maraming taong nasisira nang dahil dito. Ito rin ang pinagsisimulan ng mga  pagnanakaw at pananakit ng ibang tao, kahit na walang dahilan,dahil dinale nito ang utak.

        Balita-balita po namin, na maraming namamatay na adik nang nagsimula po kayong umupo bilang Pangulo. Marami na rin ang nadamay na may posisyon sa ating bayan, tulad ng mga pulis, napapatay na rin. Na walang sinasantong ibang tao, kahit sino pinapatay na may mga koneksyon  sa droga o itinuturing na ''Extra Judicial Killing''. Masasabi ko po sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa ay isang marahas na nangyayarikung saan-saan lugar nakikita ang mga katawan at pag minsan ay meron pang nakakabit  na kataratula na tungkol sa mga droga at sa mga droga at sa kanila. Masasabi nung iba na sangkot po ikaw sa mga pagpatay o marahas na gawaing ito.

No comments:

Post a Comment