Ang storya ng buhay ko
Nang maging mag-asawa sina Ronald at Grecila, noong Disyembre 1,1995 ng ikinasal sila,at pagkatapos ng simple kasal. Napagisip isip nila na magkaroon ng anak tatlong malulusog na anak. Nang ipinganak ang kuya ko ay nasundan pa ng isang magandang blessing.
Yung blessing na yun, sa mag-asawa Ronald at Grecila ay dumating noong Febuary 15,2000 na ipinanganak ng isang manghihilot na magaling na si Aling Lordes. Pagkalabas ng bata sa sinapupunan ni Grecila ay humiyaw ng malakas ang baby. Masaya-masaya ang mag-asawa na sinundan ang anak nila panganay ng pangalawa anak na lalaki baby na malusog na pinangalanan nila Rafael R. Espadero, hinango sa isang pangalan ng Anghel sa bible. Ako ngayon ang pinangalan Rafael R. Espadero nakasanayan magtagalog na lengwahe ako ay may taas na 5.7 di masyado katangkaran ,pero ok lang bata pa naman ako.
Minsan may mga tao nakakapansin ng katawan ko noon na medyo payat ako ,pero sabi ko sarili ko noon "kumakain naman ako ng tama lang". Sabi naman sakin ni mama "siguro anak tataba ka pa naman kaya ok lang yan"
Naisipan ko na magpataba ako ng konti,para naman may mabago sa katawan ko, At naisipan ko na maggym din kasama ko ang bestfriend . Simula noon unti-unti nabago ang katawan ko o mas naimproved di tulad dati ,ngayon medyo may muscle na ko sa katawan . Naging inspirasyon ang mga sinabi ng ibang tao sakin.
Nakahiligan ko na rin maglaro ng basketball,dahil alam ko masaya. Nagsimula ako noon maglaro ng badketball noong 15yr. old ako . Naging paborito ko na ang laro ito dahil sa mga kaibigan ko. Madami rin ako napapanuod na player sa Nba na naging idolo ko na rin sa husay nila sa paglalaro ng basketball tulad na lang nina Micharl Jordan.
Sa larong ito ang mga dapat gawin kapag lalaruin ko ito basketball ay dapat lagi ako alerto sa mga pasa ng kakampi ko,dapat mabilis ako tuwing gagawa kami ng play at para din makascore . Tinandaan ko sa larong ito na dapat laging focus .
Ngayon ay mabuti naman ang katawan ko ,sapagkat lagi na ako kumakain ng mga masusustansya pagkain. Napagisip-isip ko na di rin maganda laging putahe ang kinakain ko . Dapat may sustansya rin ang kinakain ko . Kaya masasabi ko malusog ako ngayon.
Pero naalala ko may isa ako namana sa papa ko yung pagkaallergy ko simula bata pa lang siponin na ako . Inaagapan ko naman agad ng gamot ,para mawala agad .
Di ko alam ko gaano kataas ang Iq ko. Basta alama ko lang sa sarili ko . Nakatamtaman lang ang talino ko o sakto lang, kaya para sakin ang level ng iq ko ay 8.
Marami na ako naiisip o kung anu-ano ka werduhan ang naiisip ko sa isang bagay. Tulad na makakita lang ako ng medyo kakaiba o ngayon ko lang nakita . Ay napapaisip ako ng iba-ibang kahulugan sa utak ko ang bagay na yun.
Ang level ng common sense ko at sound judgement ay nasa average na 8 . Dahil minsan medyo di ko agad nagagamit,pero minsan lang naman. Sa mga sitwasyon na minsan di ko agad nagegets.
Ang buhay ko ngayon ay masasabi ko masaya na kasama ko ang pamilya ko. Simple lang para sakin ,pero napakamakahulugan. Sila ang saya ng buhay ko ngayon.
Minsan mas nagiging mapagbigay ako o minsan mapagkumbaba sa ibang babae. Minsan sunod lang ako ng sunod sa sinsabi nila. Oo na lang ako sa mga sinsabi nila, dahil may respeto ako.
Ang problema ko minsan ay mabigat, minsan di ko na lang masyado dinadamdam sa sarili ko. Idinadaan ko na lang ang mga problema ko sa ngiti.
Pagkanta talaga di ko masyado nakahiligan ko,dahil di naman ako magaling kumanta. Kaya minsan kapag kumakanta ang mga kaibigan ko nakikisabay na lang ako.
Naalala ko noon na manalo ako sa poster making contest. Di ko maitago ang saya ko. Talagang ipinagmalaki ko pa sa iba,lalo na sa mama ko.
Masakit sa damdamin ko noon ang mga ilang subjects ko ay bumaba. Gusto ko sabihin sa mga magulang ko,pero nangangamba ako ibigay sa kanila,kelangan ibigay ko. Nadidisappoint sila sa akin sinabi ko sa kanila na babawi ako.
Gusto gusto ko talaga ang maging Fine Arts Graduate,kase ito talaga ang passion ko. Kaya ito napili ko ,dahil alam ko sarili ko ito ang nagpapasaya sakin.
Di ko masyado pinaniniwalaan ang friday the 13th ,sapagkat marami nagsasabi malas ang araw na yun. Pero para sakin wala naman nangyayari masam sakin sa tuwing friday the 13th.
Nakakapangilabot ako sa tuwing makakakita ako ng daga. Satuwing makakkakita ako ng daga natatakot ako. Sa kadahilanan madumi tingnan para sakin. Natatakot din ako na maging magisa na maiwan ng pamilya ko isang araw. Di ko kakayanin na sila ay mawala.
Naiinis ako minsan kapag pinagtritripan ako . Sa tuwing wala naman ako ginagawa mali sakanila minsan. Di ko na lang sila pinapansin.
Lumaki ako sa Lungsod ng Lucena City dito narin ako nasanay na manirahan sa Lucena City. Ay simpleng pamumuhay na kasama ko ang pamilaya ko. Di masyado kalakihan ang bahay namin, pero ok lang basta't magkakasama kami ayos na.
Di na kami biniyayaan ng marangyang pamumuhay. Pero para sakin ayos lang,dahil mabuhay lang kami ng maayos ng pamilya ko. Masaya-masaya na ako .
Masakit man na malayo si papa ay titiisin na lang namin. Nauunawaan namin kung bakit pa kailangan umalis. Para sa amin di naman niya . Tinitiis din niya na mawalay sa amin,kahit na malungkot isipin.
Tanda ko pa noon bata pa ako. Sinasabi sa akin ni mama palagi " anak lagi ka mag po sa mas nakakatanda sayo anak". Pinakatandaan ko ang mga sinabi ni mama, kahit ngayon na malaki na ako. Yun ang di ko makakalimutan na pabaon respeto o kung papaano gumalang.
Sina papa at mama ang mga taong napakahalaga sakin, maliban sa mga kapatid ko. Sapagkat sila ang nagpalaki sa akin at nagmahal sa akin ng tunay. Sila yung magulang naipagmamalaki kahit saan.
Nagpapasalamat ako na naging magulang ko sina Grecila at Ronald, nagpapsalamat rin ako nagkaroon ako ng matalik na kaibigan na si Sehdrixs na palagi ko kasama noon hanggang ngayon. Simula noon mas naging malapit kami magkaibigan sa mga kalokohan na lagi kami magkasundo, pate narin sa pagkain.
Minsan pagnaiinip ako sa bahay, ang gingawa ko ay maglaro ako ng Nba 2K14 sa computer namin. Lagi ko narin nilalaro, madami ako nagagawa sa paglalaro nito sa real life hindi ko kaya. Ay nagagawa ko kaya libang na libang ako.
Di lang pagcocomputer ang hilig ko minsan. Ang isa ko pang hilig ay nanuod ng movie sa laptop. Maramirami na din ang napanuod ko movie, pero ang huli ko ay ang Hangover 3 action movie at may eksena may nakakatawa din.
Noon kami ay nangungupahan pa sa Alpsville 1. Kase dati nakatira kami sa bahay ng kaatid ni mama. Lumipat kami dahil nahihiya na din sina mama. Kaya ngayon kumuha na kami ng sarili namin bahay .
Ang bahay namin ay hindi kalakiha. Tama lang para sa amin pamilya. Ito yung bahay na maganda para sakin simple lang maliit pero malinis . Dito mas comfortable kami.
Madalas ako nasa bahay lang ako. Magcocomputer o di kaya magcecellphone ako pag wala ako magawa sa bahay. Maiisipan ko maglinis ng bahay may magawa lang ako sa bahay.
Minsan naman tatawagin ako ni mama, tapos uutos sakin gawin. Pero ok lang naiintindihan ko naman siya kung bakit inutusan niya ako. Dahil marami rin siya ginagawa na para din sa amin.
May pitong taon na kami nakatira sa bahay namin ngayon. Masaya ako na tumagal kami sa sarili bahay namin ngayon. Maramirami na din nabuo masasaya nangyari.
Napakagulo minsan sa bahay namin. Lalo na salas namin, yung sofa naman di maayos . Aayusin na lang namin pag may bisita kami . Normal lang namansa bahay namin yun.
Masaya ako na mababait ang naging kapitbahay namin dito sa Calmar ph8a blk 47 lot4. Noong lipat namin dito sa bahay di pa kami sanay kung bagah naninibago pa kami sa bagong bahay namin. Di din nagtagal nasanay na kami.
Marami rin ako naging kaibigan sa mga kapitbahay ko sina Ricafort,Ditan, Ramos, at Ron-Ron. Naging malapit kami magkakaibigan hanggang ngayon magkakaibigan pa rin kami. Pag wala pasok nagaakitan kami magbasketball sa may court sa amin.
Masasabi ko naman sa mga kapitbahay namin. Napakalinis ng harap nila palagi, di nila pinababayaan na madumi ang harap ng bahay nila. Kami rin naman ay ganun din pinatili namin malinis lagi para maganda tingnan.
Meron kami mga alagang hayop . May dalawa kami aso ang pangalan nila Fresque lalaki at ang isa si Fluffy na babae. Meron pa isa kami alaga na pusa lalaki ang pangalan niya Ming-ming . Naisipan namin mag-alaga dahil gusto namin may bantay sa bahay namin tuwing wala kami.
Msaya ako magkaroon ng mga alagang hayop . Dahil nakakatanggal ng stressed. Yung bang may sasalubong sa akin sa tuwing dadating ako sa bahay. Sila yung kahit hayop ay napamahal na rin sa amin .
Ito yung mga bagay na naging buhay ko sa bahay namin. Na lagi ko babaunin ang mga bagay magagandang nagagawa ko sa bahay namin.