Friday, March 31, 2017

Humms


Ito ang strand na Humss 
         
           Pinasok ko ang strand na ito strand na Humss ngayong Grade 11. Maganda naman para sa akin dahil pasok naman sa aking gustong kuhaing kurso. Ito ay ang strand na (Humss) o Humanities and Social Sciences.
           Itong strand ko ngayon na Humss ay madali kumpara sa STEM na napakahirap. Dito mas kaya ko pa, walang gasinong ,tungkol sa math.
           Maari rin itong makatulong sa akin, Dahil ito'y tungkol sa pag-aaral ng tao o utak ng isang tao. At pag-aaral ng 'social' nating buhay.
           Saka,mas kaya ko mag-aral ng Humss. Ayaw kong mas pinahihirapan ang sarili ko, sa 'di ko naman kaya. Kaya, ito ang mas napili ko.
           Noong nagkaroon ng k-12 na programa,nakapabibago. Di lang sa akin,kung di sa magulang ko,dahil panibagong gastusin.
           Ilang taon din ang nagdagdagan sa k-12 na ito. Pero ipinaliwanag naman ito sa aming mga estudyante, na may malaking advantage daw ito sa amin.
            Maipagmamalaki ko din ito sa mga grade 10 students, dahil sa magandang strand ito. Di ito basta-basta, na simple lang na strand ,sapagkat ang strand na ito ay marami ding opportunity sa trabahong gusto mo.
            Dahil sa strand na ito,pwede kang makakuha ng trabaho, tulad ng criminology, education na puwedeng maging teacher.
            Bilang isang kabataan na nag-aaral ng Humss, mapagmamalaki ko rin ito. Dahil ,pasok ito sa kukuhain kung kursong Fine Arts.

No comments:

Post a Comment